Posts

School tour in BANI NHS

Image
Halina’t ating alamin ang paaralan ng Bani National High School. Ako’y nag-aaral sa paaralang ito mula noong ako ay tumuntong ng ika-7 baitang. Malaki ang pinagbago ng aming paaralan, na pinangungunahan ng aming mahal na Prinsipal na si Ma’am Janette C. Liwaliw, mas pinaganda at mas kaayayang tignan ito dahil pagpasok palamang sa aming paaralan ay makikita na ang kalinisan at kaayusan nito. Nanguna din ito sa paligsahan ng ‘’GULAYAN CONTEST’’, kung saan makikita mo dito ang ibat-ibang uri ng gulay gaya ng talong, okra, papaya, sili, sitaw ,ampalaya at iba. Hindi rin papahuli ang mga studyanteng magagaling at matatalas ang isipan na patuloy sa pakikipaglahok sa mga paligsahan para sa paaralan. Sa aking personal na karanasan nakita at nakikita ko ang bawat sakripisyo at husay ng mga guro sa Bani National High School. Makikita din sa larawan ang mga masisipag na mga magulang na tumutulong upang mapaganda at mapanatili ang kalinisan at kagandahaan ng paaralan. Dit...